GUGULONG ang 37th Pasig Bowling Association (PBA) Open Championships sa Hunyo 10 sa Sta. Lucia East Grand Mall Bowling Center sa Cainta, Rizal.

Bukas ang pagpapatala sa torneo at inaanyayahan ang lahat ng bowling associations, school team at enthusiasts na makiisa sa torneo na tatakbo hanggang Hunyo 18.

Bukod sa target na mapataas ang kalidad ng bowling sa bansa, iginiit ng organizers na walang halong pamumulitika ang programa.

Umaasa ang organizers na magbubukas ang torneo sa pag-asa ng kabataan para umunlad sa sports at maging kampeon tula nina World champion Bong Coo at Paeng Nepomuceno.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA