PAULO copy copy

KINUMPIRMA sa amin ang nasulat kamakailan ni Katotong Nitz Miralles na girlfriend na nga ni Paulo Avelino ang half-Pinay, half-Australian commercial/print ad model na si Jodie Elizabeth Tarasek na kasalukuyang nakatira sa San Fernando, Pampanga kasama ang lola sa mother side.

Kuwento ng aming source, nagkakilala sina Jodie at Paolo through their common friends hanggang sa palagi na silang nagkikita.

“Feeling ko, ‘te, sila na kasi kapag walang work si Pao, lagi silang magkasama, eh,” kuwento ng source namin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga dapat malaman kung paano nga ba maging poll watcher sa eleksyon

Tsinek namin ang IG account ni Jodie kung may litrato sila ni Paolo na magkasama pero wala kaming nakita, puro solo picture ang kuha sa dalaga.

Maging sa Instagram account ng aktor ay wala rin silang litratong magkasama.

Pero sa isang entry sa Fashion Pulis blog ay may litratong magkasama sina Paolo at Jodie na may caption na, “Paulo Avelino and Jodie Tarasek Having Fun with Filters.”

Samantala, mukhang hindi boto ang ilang fans ni Paolo kay Jodie dahil masyado raw itong bata para maging stepmom sa edad na 22.

May nagkomento ring, “She’s pretty but compared to KC (Concepcion), just a pretty face.” (REGGEE BONOAN)