CABANATUAN CITY - Dahil umano sa masamang tingin, kulang sampung saksak ang ikinasawi ng isang 26-anyos na binata mula sa hindi nakilalang salarin na nakairingan niya sa loob ng isang resto bar sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, binawian ng buhay habang ginagamot sa Dr. Paulino J.

Garcia Memorial Research & Medical Center si Raffy Diaz y Dela Merced, ng Purok 4, Barangay San Juan Accfa sa Cabanatuan.

Nabatid na dakong 11:30 ng gabi nang makipagtalo si Diaz sa isang hindi nakilalang kostumer sa loob ng resto bar sa may Maharlika Highway sa Bgy. H. Concepcion Sr., hanggang sa pagsasaksakin nito ang biktima.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Napag-alaman sa pulisya na ang umano’y masamang tingin ni Diaz ang dahilan ng pagtatalo ng dalawa. (Light A. Nolasco)