POZORRUBIO, Pangasinan - Isang lalaki ang binaril at napatay habang pauwi sa Barangay Dilan sa Pozorrubio, Pangasinan, nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ng Pozorrubio Police ang biktimang si Gregorio Mapanao, 50, residente sa nabanggit na lugar.
Dakong 10:30 ng gabi nitong Miyerkules at minamaneho ng biktima ang kanyang Rusi motorcycle (SR-1671) nang barilin.
Iniimbestigahan na ang motibo sa pananambang. (Liezle Basa Iñigo)