Dahil walang supply ng kuryente, nag-noise barrage ang Metro Manila District Jail inmates na nauwi sa riot at ikinamatay ng dalawa habang 17 ang sugatan sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City, nitong Martes ng gabi.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital sina Lucky Natividad, miyembro ng Bahala na Gang, at Gerald Tolentino, ng Sigue-Sigue Sputnik Gang.

Habang hindi pa pinapangalanan ang mga sugatan.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Jail Director Serafin Barretto, dakong 6:20 ng gabi nagsagawa ng noise barrage ang mga preso matapos ireklamo ang kawalan ng kuryente sa loob ng piitan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang ilang minutong pag-iingay at pangangalampag, nagkaroon ng riot sa pagitan ng mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik at ng Bahala na Gang.

Tumagal ng halos dalawang oras ang riot hanggang sa bumulagta ang dalawa at tadtad naman ng saksak sa katawan ang 17.

Napag-alaman na limang araw nang walang supply ng kuryente sa nasabing piitan dahil sa lumobong bayarin sa kuryente.

(BELLA GAMOTEA)