Mahigit P3 milyong halaga ng alahas, tseke, cash at mahahalagang dokumento ang nakuha sa isang doktora makaraang tangayin ng kanyang kasambahay sa Las Piñas City, nitong Martes ng gabi.

Nanlulumong nagtungo sa tanggapan ng Las Piñas City Police ang biktima, na nakiusap na huwag pangalanan, upang ireklamo ang kanyang kasambahay na kinilalang si Rochelle Cabe, 25, tubong Samar.

Sa reklamo ng doktora, dakong 9:00 ng gabi, galing siya sa trabaho nang madatnang bukas ang kandado ng kanyang kuwarto at nawawala ang vault sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Pilar ng nasabing lungsod.

Mapapanood sa closed-circuit television (CCTV) camera ng barangay na sumakay ang suspek sa isang tricycle bitbit ang vault na tinakpan pa nito ng tela.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Aminado ang biktima na hindi niya kinilatis ang kasambahay na dalawang linggo pa lamang nagtatrabaho sa kanya.

Aniya, ini-refer lang sa kanya ang suspek at hindi niya akalain na tatangayin nito ang kanyang mga pera at alahas.

Nagsasagawa ng follow-up operation laban sa suspek. (Bella Gamotea)