Isang fetus ang natagpuan sa basurahan sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dakong 4:00 ng madaling araw, natagpuan ng basurerong si Jonathan Trinidad ang fetus, na tinatayang nasa tatlo hanggang limang buwan, sa basurahan sa Ramon Magsaysay Boulevard.

Ayon kay PO3 Joy Alcoriza, ng Manila Police District (MPD)-Station 4, naghahanap ng mga mapapakinabangang basura si Trinidad nang bumulaga sa kanya ang fetus at agad ini-report sa pulisya.

Dinala naman ng awtoridad ang fetus sa isang accredited morgue ng Philippine National Police. (Mary Ann Santiago)

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin