CARLA AT TOM copy copy

SA presscon mamaya ng I Heart Davao, malalaman namin kay Carla Abellana kung babalik pa ang karakter niyang si Aviona sa Mulawin vs Ravena.

Nabanggit ni Carla minsan na pansamantalang mawawala si Aviona sa story ng fantaserye kapag umere na ang rom-com series nila ni Tom Rodriguez simula June 26, pero babalik din ‘pag nagtapos na ang rom-com.

Eight weeks lang ang airing ng I Heart Davao, kaya puwede pa siyang bumalik sa Mulawin vs Ravena lalo’t hindi naman namatay ang karakter niyang si Aviona, hindi lang nakabalik sa Avila.

Human-Interest

ALAMIN: Mga dapat malaman kung paano nga ba maging poll watcher sa eleksyon

Si Tom ang hindi na babalik sa Mulawin vs Ravena kahit nababanggit na buhay pa ang karakter niyang si Rodrigo, dahil special participation lang siya bilang si Rodrigo. Nanghinayang nga raw ang aktor dahil hindi siya nakalipad dahil hindi naman taong-ibon ang karakter niya.

Samantala, nagpapasalamat sina Tom, Carla, Benjamin Alves at iba pa nilang kasama sa cast at production staff ng I Heart Davao na nakabalik na sila ng Manila bago pa nagkagulo sa Marawi City. Kahit malayo ang Davao sa Marawi, ramdam pa rin doon ang tension ng kaguluhan. Sa Davao kasi kinunan ang malaking parte ng rom-com series.

Ang GMA News & Public Affairs ang producer ng I Heart Davao para sa GMA-7. Ang nadinig namin, marami pang kasunod na ipoprodyus ang GMA News. Kaya baka magkaroon ng I Heart Cebu, I Heart Iloilo, I Heart Palawan, etc.