NAGTATAKA ang ilang katoto kung bakit hindi raw umuusad ang career ng youngstar na ini-launch noon sa isang serye kasama ang sikat na love team.

“Ang ganda ng role niya ro’n, ka-love triangle siya, bukambibig na nga ang pangalan niya, pero anyare na, bakit parang bulang naglaho na?” pahayag ng mataray na entertainment editor.

In fairness, maganda naman ang youngstar noong i-launch siya at mas lalong pa siyang gumanda ngayon kaya nagtataka ang mga katoto kung bakit wala siyang project.

“Eh, kasi noong ipa-interview ‘yan sa media friends ng talent management niya, may mali sa mga sinabi niya, it has something to do with the family. Eh, alam mo naman ang masa ayaw ng hindi nagsasabi ng totoo. ‘Tapos nu’ng nagnega yata siya sa mga pinagsasabi niya, bigla niyang binawi na misinterpreted daw siya, hindi raw naintindihan nu’ng nag-interview, how come na hindi naintindihan, eh, naka-tape siya?” kuwento ng isa namang mataray na kolumnista.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Binanggit namin na may project ngayon ang baguhang aktres.

“Ano? Nagmamarka ba?” balik-tanong sa amin.

Bawi namin, baka nagpatuloy na lang sa pag-aaral dahil bata pa naman at gusto naman talaga ng dalaga na makapagtapos ng studies niya.

“Ganyan naman talaga ang excuse ng mga hindi sumisikat, kapag walang project, back to school ang drama which is good at saka na lang mag-artista kapag nakatapos na,” komento ng isa pang entertainmen editor.

E, teka, kumusta naman pala ang talent ng dalaga, marunong bang umarte?

“Pareho sila ng pamilya niya,” mabilis na sagot sa amin ng mataray na kolumnista.

Aysus, e, kaya naman pala hindi nabibigyan ng project kasi waley talent, ha-ha-ha. (REGGEE BONOAN)