CABANATUAN CITY – Isang 37-anyos na assistant city prosecutor sa Nueva Ecija ang nabiktima ng “Basag Kotse” gang sa Barangay Sumacab Este sa Cabanatuan City, nitong Hunyo 2 ng umaga.
Sa ulat ng Cabanatuan City Police, kinilala ang biktimang si Alex Sitchon Jr., y Mapanao, taga-Bgy. Kapitan Pepe Subdivision, na nagulat nang matuklasang basag ang unahang bintana ng kanyang Mitsubishi Strada pick-up (WIE-693) na ipinarada niya sa Cryta Cathedral Compound sa Lakewood Avenue sa Bgy. Sumacab Este.
Natangay ng mga suspek ang sling bag na naglalaman umano ng iba’t ibang ID, ATM, USB, mga susi, at P10,000 cash.
(Light A. Nolasco)