Pormal nang hiniling sa Korte Suprema ng minorya sa Kamara na ideklarang ilegal ang martial law na idineklara ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

Base sa petisyong inihain nina Albay Rep. Edcel Lagman at anim na iba pang kongresista, nais ng mga ito na baligtarin ng korte ang Proclamation No. 216 ng pangulo dahil sa wala anila itong factual basis.

Wala anilang rebelyon o invasion sa Marawi City, Lanao del Sur o sa buong Mindanao para magdeklara ng batas militar at suspendihin ang privilege of the writ of habeas corpus.

Nakasaad sa petisyon na inamin ng militar na ang giyera sa Marawi ngayon ay dahil sa military operation upang hulihin ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon, na nauwi sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga teroristang Maute.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Sinabi ng mga petitioner na ang deklarasyon ng batas militar at suspensiyon ng privilege of the writ of habeas corpus ay kagustuhan lamang ni Pangulong Duterte at hindi inirekomenda ng mga militar at ng security officials na inamin, anila, sa Kamara ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kabilang din sa mga petitioner sina Representatives Tomasito Villarin, Gary Alejano, Emmanuel Billones, Teddy Brawner Baguilat, Jr. at Edgar Erice. (Beth Camia)