Ria, Gerald, at Arci copy

LAGARE kahapon sa mall tour para sa promo ng pelikulang Can We Still Be Friends sina Gerald Anderson at Ria Atayde sa SM Novaliches (4PM) at Starmall San Jose, Bulacan (6PM).

Hindi nakasama ang leading lady ni Gerald na si Arci Muñoz dahil finals ng I Can Do That kagabi.

Ayon kay Ria, iyon ang unang mag-mall tour niya at kakanta pa kaya excited siya.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Hindi ba siya ninerbiyos?

“Hindi naman po, ha-ha-ha,” sagot niya.

Nag-post si Ria ng litrato nilang tatlo nina Gerald at Arci na nilagyan niya ng caption na, “Can you remain friends with your ex? #CanWeStillBeFriends coming soon! Grateful and blessed to be a part of this as my first movie.”

Samantala, magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni Ria sa nalalapit na pagtatapos ng My Dear Heart dahil napalapit na nang husto ang loob niya sa buong cast lalo na kina Heart (Nayomi Ramos) at Bingo (Enzo Pelojero).

Mahilig kasi talaga sa mga bata ang baguhang aktres.

“In the past 5 months, you watched us and welcomed us into your hearts and together, we learned different values from each character. In our last 15 heartbeats, I hope you can join us and see Heart’s story til the end,” pasasalamatan ni Ria sa mga manonood ng MDH.

Pinasalamatan niya maging ang gumanap na nanay niya sa serye na si Ms. Coney Reyes.

“For believing in me more than I do myself and for everything you are, thank you, Tita Mommy. I am blessed because I was given the chance to have you as my on-screen mother. #MDHPursigido.”

At ganoon din ang kontrabida nila ni Heart na si Eric Quizon bilang si Doc Francis, “Great Saturdate with my favorite, thank you for the good food, great conversation and even better company, Tito @eric_quizon”.

(Reggee Bonoan)