DENISE CARLO SHAINA JC copy

NATUTUWA at nababaitan ang kakilala naming restaurant owner na si Vicky Solis kay Shaina Magdayao nu’ng mag-taping siya ng A Better Half sa spa na katabi ng Chives resto sa Antipolo City.

Sa nasabing restaurant ang unang venue ng taping ng serye nina Shaina, Carlo Aquino, JC de Vera at Denise Laurel, pero nang malamang puro pasta at pizza ang menu ng Chives ay iniba na lang ang eksenang kukunan, sa spa.

“Supposedly sa Chives, eh, dapat pala pansit ang kakainin, eh, wala kaming pansit, ha-ha-ha, sa kabilang restaurant pa, so para hindi na masayang ang oras, sa katabing spa na lang namin sila nag-taping. Pero bumili si Shaina ng veggie salad for JC daw kasi paborito niya,” kuwento ni Vicky.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Madalas pag-shooting-an ng pelikula ng Star Cinema ang bahay ni Vicky sa Antipolo dahil rustic ang style nito. Maging ang kanyang Chives restaurant ay dinadayo rin ng mga artista na very homey ang ambiance.

Hindi kami sigurado kung sa Antipolo City rin ang taping ng seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim Chiu, Jake Cuenca at Gerald Anderson pero nagkuwento si Ms. Vicky na madalas daw kumain sa kanila si Jake Cuenca.

Nakuwentuhan din kami na gandang-ganda ang lahat ng nakikiusyosong manood kay Shaina sa taping dahil palangiti at kumakaway sa lahat ng dumadalaw sa set, hindi katulad ng ibang artista na hindi man lang daw namamansin at laging nagkukulong sa van. Pero hindi na namin babanggitin kung sino ito.

Laging magkaeksena ngayon sina Shaina (Camille) at Carlo (Marco) sa umeereng istorya kaya usap-usapan ng mga tagasubaybay ng serye na magkakabalikan daw ang dating mag-asawa.

Nagkaroon lang naman kasi ng amnesia si Carlo kaya nakalimutang asawa niya si Camille at nagpakasal kay Bianca (Denise).

As expected, maraming nagagalit sa karakter ni Denise dahil pinaiikot niya sina Camille at Marco at idinadamay pa si Rafael (JC).

Kaya laging inaabangan ang The Better Half, dahil sa tug-of-war ng mga karakter. (REGGEE BONOAN)