KAHIT nasa Korea, damay rin pala si Sandara Park sa kaguluhang nagaganap sa Marawi City.
May malaking epekto raw sa kanya ang mga nagaganap ngayon sa Mindanao. Hindi kasi makauwi si Sandara sa Pilipinas para sa mga proyektong gagawin sana niya rito. Kaya ganoon na lang ang paghihinagpis niya niya dahil kahit anong pakiusap ang gawin niya ay ayaw siyang payagan ng mga namamahala sa career niya sa Korea para pumunta sa Pilipinas.
Bantay-sarado ngayon si Sandara ng management niya. Kinausap at ipinaliwanag na raw ng aktres sa mga ito na malayo naman ang Manila sa Marawi na sentro ng kaguluhan. Inayos niya ang explanation niya na safe naman siya sa Manila at wala naman siyang balak na pumunta Marawi, huh!
Pero dahil naman sa nangyari sa Resorts World, tiyak na lalo siyang hihigpitan.
Samantala, kahit hindi nagkatuluyan at may misis at anak na ngayon ang dating kasintahan ni Sandara na si Joseph Bitangcol ay open pa pala ang komunikasyon ng dalawa.
Kaya nang makarating daw kay Joseph na pinoproblema ng ex-girlfriend ang pag-uwi sa Pilipinas, nagpahayag ang actor na hindi ito mapipigilan.
“Knowing Sandara, sobrang love niya ang Pilipinas kaya magulat na lang tayo na nandito na siya,” aniya. (JIMI ESCALA)