Pinaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga katuwang nitong health care provider na imungkahi sa mga pasyente, partikular sa may chronic kidney disease stage 5, ang paggamit ng Peritoneal Dialysis (PD) bilang pangunahing paraan ng paggamot sa sakit sa bato.

Sinabi ng PhilHealth na mahalagang laging isama ang PD sa mga paraan ng paggamot para sa renal replacement therapy.

Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, ang PD ay isang uri ng dialysis na ang peritoneal membrane ng pasyente ang nagsisilbing artipisyal na kidney. Walang dugo na inaalis at ibinabalik sa pasyente sa PD.

Kaugnay nito, inihayag ng PhilHealth na simula nitong Hunyo 1, 2017 ay hindi na nito tatanggapin ang claims application para sa PD sa ilalim ng case rate na isusumite ng mga health care provider, maliban kung para sa acute kidney injury, tulad ng leptospirosis, na nangangailangan ng agarang dialysis.

National

5.0-magnitude na lindol, yumanig sa Eastern Samar