TEHRAN, Iran (AP) – Aabot sa 37 katao ang nasugatan makaraang masunog ang isang shopping center sa katimugang lalawigan ng Fars sa Iran kahapon ng madaling araw, ayon sa Iranian state TV.

Ang sunog sa lungsod ng Shiraz ay sinundan ng pagsabog, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ni Reza Alimanesh, hepe ng provincial emergency organization, na 15 lamang sa mga nasugatan ang naospital.

Iniulat ng Tasnim news agency na iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.

Internasyonal

Mexican beauty influencer na binaril habang naka-live stream, biktima ng 'femicide?'