PATULOY ang pamamayagpag sa ratings chart ng Wildflower. Ngayong nasa book 2 na ang serye na pinagbibidahan ni Maja Salvador, with Sunshine Cruz, Aiko Melendez, Joseph Marco, Tirso Cruz III, RK Bagatsing at marami pang iba, lalo pa silang pumalo sa ratings.

Base sa data ng Kantar Media, ang Wildflower ang pinakatinututukang serye ngayon sa afternoon block. Bukod sa napakagandang story, may mahusay na cast ay hindi rin matatawaran ang teamwork ng mga director, staff and crew.

Kaya nga ganoon na lang ang pasasalamat ni Maja.

“Mula po sa akin at sa lahat ng bumubuo ng Wildflower, maraming salamat sa wild ninyong suporta at pagmamahal na ‘binibigay n’yo sa amin mula pa nang nag-umpisa kami at hanggang sa Book 2 na ngayon,” sey ni Maja.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mas marami pa raw ang revelations at wild na mga twist na mapapanood ng avid followers ng show.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Maja ang lahat ng mga kasama sa cast na tunay na pamilya na ang turingan ng bawat isa dahil sa kaba-bonding sa taping. (Jimi Escala)