CARRANGLAN, Nueva Ecija - Laksa-laksang bangaw at masangsang na amoy ang mistulang nagturo sa naaagnas nang bangkay ng isang barangay health worker sa loob ng bahay nito sa Barangay Gen. Luna sa Carranglan, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Carranglan Police sa tanggapan ni Senior Supt. Antonio C. Yarra, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nakilala ang biktimang si Renato Reyes, 50, binata, health worker sa Bgy. Gen. Luna. (Light A. Nolasco)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?