MAINE copy

SA July 15, two years na sa showbiz si Maine Mendoza na simula pa nang um-appear sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang si Yaya Dub at magkita ni Alden Richards noong July 16, 2015, nagsimula na ring i-bash sa social media.

Kung anu-ano ang ipinipintas kay Maine, hindi raw siya maganda, paano raw nakapasok sa show ang katulad niya, at iba’t iba pang panglalait. Sa kabila nito, dumami pa rin ang fans, projects at product endorsements nila ni Alden na pawang pumatok sa masa.

Human-Interest

Kung ikaw si Misis: Payag ka, babaeng co-teacher ni Mister umaangkas sa motor niya?

Walang anumang narinig kay Maine. Natutuhan niya kay Alden ang hindi na lang pagsagot sa bashers, to the point na ang sabi ni Alden, “Immune na kami ni Maine, hindi na namin pinapansin.” 

Until nitong nakaraang Huwebes ng umaga sa magkasunod na post ni Maine sa Twitter na: “I do not get how people can throw so much hate on others, I mean... inano ba nila kayo?” at “I know how much you love us and how hard you try to protect us but enough with the foul words, guys... Hindi na tama.”

Siguradong napuno na rin si Maine sa kung anu-anong bashings na tinatanggap nila ni Alden na karamihan naman ay gawa-gawa lang para makapanira. Umaabot pa sa punto na naba-bash pati ang kani-kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Kahit sino, hindi na makatitiis kapag ang mga mahal nila sa buhay ang idinadawit. Hindi na niya napanindigan ang lagi niyang sinasabi na “walang kebs” o wala siyang keber sa bashers.

Pero ang tunay na nagmamahal kina Maine at Alden, humingi agad ng paumanhin sa young actress, nangakong no more harsh words. May nag-sorry rin pero hindi raw sila hihinto sa pagtatanggol sa dalawa, wala na lamang harsh words silang gagamitin. Pero may mga nag-comment pa rin ng hindi maganda at nagtanong ng, “Diretsuhin mo na lang Maine, para sa management/Sef issue/Gabbi issue ba ‘to? Sino pinagtatanggol mo?”

Sinagot agad ito ni Maine ng, “Dapat ba lagi may pinagtatanggol? Hindi ba puwedeng sabihin lang kung ano ang tama? Oh, btw, that tweet is for you all.” Kaya may nag-react din na nasaktan daw sila sa tweet na iyon ni Maine, na sinagot naman ng iba pang fans ng: “ang mag-react guilty.”

Nagbabasa si Maine ng Twitter, Facebook at Instagram accounts, friends man o bashers, kaya alam niya ang mga nangyayari, pero hindi siya nagko-comment. Ngayong lang siya nagkomento, dahil damay na ang mga mahal nila sa buhay ni Alden na kung anu-ano na ang itinatawag, may foul words pa na hindi mo iisiping masasabi ng isang tao sa kapwa.

For his part, ito naman ang sagot ni Alden sa lahat ng concerns: “Be kind, be humble, be kind” na quote niya sa Bible for June 2: “Be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, even as God in Christ forgive you.” --Ephesians 4:32 (NORA CALDERON)