BARBIE copy

NASISILIP ang cleavage ni Barbie Forteza sa suot na t-shirt nang makita namin sa taping ng Meant To Be, kaya biniro namin na dalaga na siya at keri nang magpakita ng cleavage.

Ngumiti si Barbie at gumanti ng biro na malaki na siya.

Nineteen na nga naman si Barbie and turning 20 years old this month at kung may ipapakita naman, bakit hindi ipakita.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Don’t get us wrong, hindi malaswa ang suot niya, nakakapanibago lang lalo’t nakikita na namin siya simula noong bata pa siya.

Anyway, overwhelmed si Barbie sa success ng Meant To Be, hindi nila ini-expect na magugustuhan at susubaybayan ito ng viewers.

“Overwhelming ang feeling na nagustuhan ang show at sobra ang tuwa namin na extended kami. Dapat, 16 weeks ang airing ng Meant To Be at dapat finale na noong April 21, pero dahil sa suporta ng viewers, extended ang airing at naurong sa June 23 ang final airing namin. Masaya lang!” banggit ng dalaga.

Ikinatuwa rin ni Barbie at ng ibang cast na magti-taping sila sa Singapore for four to five days. Bukas (Sunday) ng umaga na ang alis ng first batch. Si Barbie, sa evening flight dahil may Sunday Pinasaya pa siya.

Ilang days na lang ang natitira sa taping, pero hindi pa rin alam ni Barbie kung sino kina Yuan (Ken Chan), Ethan (Ivan Dorschner), Jai (Addy Raj) at Andoy (Jak Roberto) ang makakatuluyan ni Billie (Barbie). Ang writers at resulta sa poll voting ang magde-decide, kaya maghanda ang fans ng apat na love teams.

Samantala, nilinaw ni Barbie ang isyu na ang akala ng fans, sila ni Ivan ang may real relationship, pero nitong huli, sila na ni Jak ang nagde-date?

“Pareho ko silang kaibigan, hindi ‘yun maintindihan ng tao. Hindi nanligaw si Ivan at hindi rin nanligaw si Jak. Kaya si Jak ang nakakasama namin ng family ko dahil siya ang madaling yayain. Ang ibang fans kasi, gusto magpaligaw ako sa apat, para naman akong carinderia n’yan na laging bukas,” sabi ni Barbie.

Pero bakit may ibang fans na hindi kumbinsido sa paliwanag na ito ni Barbie? Ang magandang gawin, hintaying matapos ang Meant To Be at kung patuloy ang pagdi-date nila ni Jak, alam na ang ibig sabihin noon.

Sabi nga ng millennials, alam na this. (Nitz Miralles)