Patay ang siyam na hinihinalang miyembro ng robbery gang habang anim na iba pa, kabilang ang isang pulis, ang naaresto sa engkuwentro sa Barangay Cavinte, Ozamiz City, Misamis Occidental, nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat kahapon ng Police Regional Office (PRO)-10, kinilala ang mga namatay na sina Alfie Mahusay, Anjun Simene, Lito Manisan, Romeo Libaton, Jerry Manzano, Joel Mira, Franciso Manzano, Consorcio Rubio, Sr., at isang hindi pa nakikilala.

Binanggit naman sa report ng PRO-10 ang pulis na naaresto na si PO2 Diosdado Hinoctan, nakatalaga sa Tangub City Police ng Misamis Occidental Provincial Police Office (MOPPO).

Nadakip din kasama ni Hinoctan sina Carmelita Manzano, Luareta Ugmad, Janice Manzano, Monaliza Ugmad, at Jonner Libatog.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Ayon sa report, magsasagawa sana ng panghoholdap ang mga suspek sa isang establisiyemento sa Bgy. Cavinte, Ozamiz City nang sumiklab ang sagupaan.

Sinabi ni PRO-10 spokesperson Supt. Lemuel Gonda na nakilala ang pinuno ng grupo na si Abloy Mahusay, at sinasabing nasa likod ng sunud-sunod na panghoholdap sa Ozamiz City.

Nagsagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang posibleng kumakanlong sa grupo. (FER TABOY)