NGAYONG Sabado (Hunyo 3) sa Sarap Diva, ultimate throwback date ang magaganap sa bahay ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagbisita for the first time ni Roderick Paulate.
Tiyak na umaatikabong tsikahan ang magaganap kaya hindi ito palalampasin ni Inday (Teri Gian) na magpapaturo ng acting na tanging si Kuya Dick lang ang nagpauso.
Makakasama sa episode na ito ang very special surprise guest, ang BFF ni Kuya Dick na si Ate Velma kaya may bukingang magaganap.
Samantala, isang classic Pinoy merienda with a twist naman ang ihahanda ni Ate Regine para sa mga bisita.
Abangan ang throwback paandar ni Songbird ngayong Sabado sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA.