JOSH BIMBY AT KRIS copy copy

NAGBABAKASYON sa Tokyo, Japan ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby Aquino dahil kailangan nilang gamitin ang naipong ‘miles’.

Post ni Kris, “Just the 4 of us, used my@cathaypacific #BDO credit card’s Asia Miles points for 3 tickets. Many thanks to my travel agent, Jojo Tan of Excite Travel for maximizing my Rewards points. Tomorrow night @jiggycruz &@jacksalvador will follow on @flypalbecause I can’t go on the daring amusement park rides & the numerous arcades in Tokyo that are part of Kuya’s (and Bimb’s) wish list.”

Nabanggit rin ni Kris na sa Hunyo 8 sila babalik para sa ikawalong fitting ng damit na isusuot niya para sa Hollywood movie na gagawin niya pero ayaw niyang magbigay ng detalye.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“We’re back on the 8th for my fittings for the Hollywood movie I’m not allowed to talk about -- I’m filming my scenes this June 2017. #dreamsdocometrue.”

Kamakailan ay kaliwa’t kanan ang kantiyaw na mukhang hindi naman daw kasama si Kris sa pelikulang Crazy Rich Asians dahil wala naman daw sa lumabas na list ng cast ng nasabing Hollywood film ang name ni Tetay.

Nabanggit pang nag-audition din daw si Heart Evangelista sa Crazy Rich Asians pero hindi pumasa, na inamin din naman ng aktres.

May source kaming nagsabing, “Wait mo lang, may malaking announcement si Kris by June. As of now talaga ay hindi pa siya puwedeng magsalita.”

At sakto nga, June 1 kahapon nagbigay na ng patikim si Kris pero wala pa ring detaye kung anong pelikula at kung anong Hollywood movie ito.

Anyway, how true na hindi na si Mr. Tony Tuviera ang mamahala ng career ni Kris? Sa madaling salita, walang nangyari sa usapan nila ng APT Entertainment big boss?

Pero nananatiling si Boy Abunda pa rin daw ang manager/agent ni Kris pagdating product endorsements at pelikula.

(REGGEE BONOAN)