CAVINTE, Laguna – Isang ama ang nabaril at napatay ng sarili niyang anak na lalaki matapos nilang pagtalunan ang paggawa ng illegal fishing apparatus habang nag-iinuman sa Barangay Sisilmin sa Cavinte, Laguna, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala sa police reports ang biktimang si Restituto G. Blasco, 52, biyudo, na napatay makaraang barilin sa kaliwang sentido ng ng anak niyang si Danny Blasco, 22, kapwa residente sa Bgy. Sisilmin, Cavinte.

Bandang 11:00 ng gabi at nag-iinuman ang mag-ama, kasama ang isa pang anak ng biktima na si Ramon Blasco, nang magtalo sina Restituto at Danny kung sino sa kanila ang mas mahusay sa paggawa ng panguryente ng isda.

Nainsulto at napikon umano si Danny makaraang igiit ng ama na mas mahusay ito kaysa kanya.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

Dahil dito, kinuha ng suspek ang kanyang converted rifle na .22 caliber at malapitang binaril ang ama sa kaliwang sentido.

Tumakas ang suspek sakay sa isang motorsiklo, bitbit ang baril na ginamit sa krimen. (Danny J. Estacio)