Angel-Locsin copy

DINUMOG ang Instagram account ni Direk Erik Matti ng fans nina Liza Soberano at Angel Locsin pagkatapos mapanood ang announcement sa TV Patrol na ang una na ang pumalit sa huli sa Darna.

Nagpapasalamat kay Direk Erik ang fans ni Liza, well-deserved daw nito ang maging bagong Darna. Excited na silang mapanood si Liza na lumilipad at sumisigaw ng “Ding, ang bato” at “Darna!”

Pero nasaktan naman ang fans ni Angel sa desisyon ng Star Cinema. Mas deserving daw si Angel sa gigantic production dahil mahusay itong aktres, magaling sa fight scene at malaki ang contribution sa showbiz.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakadagdag sa sentimiyento ng fans ni Angel ang ipinost ni Direk Erik na fan art ng Darna na mukha ni Liza ang nakalagay. Ang caption pa ni Direk Erik ay, “Your wish has been granted #Darna #LizaSoberano. (NITZ MIRALLES)