HINDI lang si Arjo Atayde alyas Joaquin Tuazon ang hindi na mapapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano kundi pati na rin si Simon “Onyok” Pineda.
Nagpaalam na rin sa aksiyon-serye noong Biyernes si Onyok na pinalabas sa kuwento na sinundo na ng tunay na ina na si Alessandra de Rosi.
Sa pamamagitan ng post sa Instragram ay nagpasalamat si Onyok sa ABS-CBN, buong Ang Probinsyano team at kay Coco Martin.
“Maraming Maraming Salamat po sa pagmamahal n’yo sa akin! I Love You All Team Promdi!!! @dreamscapeph #teampromdi #fpjap
“Maraming Salamat po sa ’yo, Kuya Coco sa lahat ng pag-aalaga n’yo sa ‘kin sa set at sa lahat ng mga itinuro n’yo sa akin kung paano umarte. Salamat din po sa lahat ng Direktor @malusevilla,Direk @avelsunpongco, @direktoto @vincegaite@kevindevela @isaacnatividad ! Mahal ko po kayong lahat!!! #teamcaryok #fpjap #teampromdi #dreamscape.”
(Reggee Bonoan)