Sa selda ang bagsak ng isang Amerikana sa pagtatangkang tangayin ang isang pares ng sapatos at isang bag sa department store ng isang mall sa Makati City, nitong Linggo ng gabi.

Nasa kustodiya ng Makati City Police ang suspek na si Jane Siew Kim Low, 63.

Base sa ulat, dakong 8:30 ng gabi nangyari ang insidente sa SM Department Store, Ayala Center sa nasabing lungsod.

Agad dinampot ng mga guwardiya si Low matapos makita sa closed-circuit television (CCTV) camera na inilagay niya sa kanyang ecobag ang isang pares ng sapatos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi pa nakuntento, nakita ring dinampot ni Low ang isang bag bago lumabas ng tindahan nang hindi nagbabayad.

Dahil dito agad siyang inaresto at idiniretso sa himpilan ng pulisya. (Bella Gamotea)