Ang mga manggagawang Pilipino ang ilan sa mga labis na maaapektuhan sa desisyon ng Philippine Government (GRP) na ikansela ang ikalimang yugto ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front (NDF), ayon sa isang labor group.

Sa isang kalatas, umapela si Kilusang Mayo Uno (KMU) secretary-general Jerome Adonis sa GRP na ituloy ang peace talks sa NDF upang maisapinal ang socio-economic reforms component nito.

Inaasahang mapakikinabangan ng mga manggagawa ang socio-economic component dahil tatalakayin dito ang labor-related issues gaya ng regular jobs, living wages, free land distribution at free mass housing.

“The talks on socio-economic reforms can start to tackle the Rights of the Working people where our demands to end contractualization and for the implementation of a National Minimum Wage would be addressed,” ayon kay Adonis.

National

Ka Leody, Luke Espiritu, tatakbong senador sa 2025

“It is in the best interest of Filipino workers and people that the peace talks,” dagdag niya.

Nag-isyu ng statement ang labor leader kasunod ng deklarasyon ng GRP na pansamantalang binabawi ang usapang pangkapayapaan.

Hanggang kahapon, inaabangan pa ang anunsiyo ng GRP kung kailan ipagpapatuloy ang peace process.

Bago ang ikalimang yugto ng peace talks sa Netherlands, ipinaliwanag ng GRP na ang martial law ay hindi direkta sa NDF

“The GRP should also stop insolently setting unjust and capitulating preconditions that hinders the advancement of the peace talks that has relatively been moving forward for almost a year now,” sambit ni Adonis. (Samuel Medenilla)