Timbuwang sa panlalaban ang isa umanong kilabot na holdaper sa Barangay Tatalon, Quezon City, iniulat kahapon.
Sa imbestigasyon ng Galas Police Station 11, dakong 11:00 ng gabi kamakalawa nangyari ang putukan sa pagitan ng Galas Police at ng suspek na kinilala sa alyas na Carlo, nasa gustong gulang, walang permanenteng tirahan.
Una rito, naglalakad umano si Bryan Rafuela, 17, at kanyang kaibigan sa kahabaan ng Banawe Street, Bgy. Manresa nang sumulpot ang suspek na sakay sa motorsiklo.
Sa puntong ito, niyaya umano ni Carlo si Rafuela na sumakay sa kanyang motorsiklo.
Habang patungo sa Quezon Avenue, bigla na lamang tinutukan ng baril ni Carlo si Rafuela, tinangay ang cell phone at pinababa sa lugar.
Agad humingi ng tulong si Rafuela sa mga nagpapatrulyang pulis at isinumbong ang suspek na nasukol sa Bgy. Manresa.
Ngunit sa halip na sumuko nang matiwasay, binaril umano ng suspek ang mga pulis dahilan upang siya ay bumulagta. (Jun Fabon)