KABUUANG 10,000 runners ang sumugod sa gitna ng pag-ulan para makiisa sa Color Manila’s CM Blacklight Run Manila leg nitong Sabado sa Filinvest City, Alabang.

Kabilang ang mga celebrities na sina Aubrey Miles, Sam YG, Ms. Global beauty queens, Ico Ejercito at Davao Aguilas FC players sa mga sumabak sa pinakahihintay na running event ng taon.

Bago ang karera, sumabak muna sa Colour Festival ang mga runner kung saan ibalt ibang kulay ng pulbos ang isinaboy sa isa’t isa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“We are glad that we were able to gather at least 10,000 runners this evening and that the participants still got to enjoy tonight’s race, despite the weather. We hope to see everyone again in our next events in Bacolod, Laguna and Davao”, sambit ni Color Manila VP Justine Cordero.

Ang CM Blacklight Bacolod leg ay nakatakda sa Hunyo 3, habang ang CM Blacklight Davao leg ay sa Agosto 12. Ang CM Challenge Laguna run ay nakatakda sa Hunyo 25.