Muling binuksan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang Oplan Balik Eskuwela Information and Action Centers (OBEIAC), isang linggo bago tuluyang magbalik-eskuwela sa Lunes, Hunyo 5.
Ayon sa DepEd, sa pamamagitan ng mga balik-eskwela centers ay magkakaroon ang mga mag-aaral, magulang, guro at education stakeholders ng mas malawak na access sa impormasyon at mga solusyon sa mga problemang karaniwang kinakaharap sa unang araw ng klase.
Sinabi ng DepEd na naglaan sila ngayon ng mas maraming hotlines upang ma-accommodate ang lahat ng school opening-related requests, complaints at mga mungkahi.
Bukas ang DepEd Central Office OBEIAC para tumanggap ng public concerns mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Linggo.
Kabilang sa kanilang mga hotlines ay ang mga sumusunod: 636-1663; 633-1942; 636-6549; 635-0552; 638-7530; 638-7531; 635-9817; 638-7529; 636-6550; 637-9814; 633-7252; 632-1370; 632-1364; 638-1793; 632-1368; at 632-1361, habang ang fax number naman ay 638-8641 at 634-0222.
Maaari ring mag-text sa 0919-456-0027 at mag-email sa [email protected]. (Mary Ann Santiago)