NAMAYANI ang reigning NCAA champions San Beda College kontra sa UAAP champions De La Salle University, 82-80,para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa Group A ng 2017 FilOil Flying V Preseason Premier Cup nitong Linggo ng gabi sa Filoil Flying V Centre.

Dahil sa panalo, naluklok ang Red Lions sa sa liderato ng Group habang ibinaba nito ang defending Premier Cup champions sa markang 3-2.

Pinangunahan ni dating La Salle guard Robert Bolick ang San beda sa naiskor na 27 puntos, siyam na rebound at anim na steal.

“We just caught a big fish tonight,” pahayag ni San Beda head coach Boyet Fernandez. “I have high respect for La Salle. Coach Ayo did well to make that team strong.”

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Nakalamang pa ang Green Archers sa bungad ng second half sa siyam na puntos,42-33, bago rumatsada ang San Beda.

Binawi ni Ben Adamos ang kalamangan para sa Red Lions hanggang sa tuluyan silang umagwat, 73-64 , may 3:41 pang natitira sa laban.

Nakuha pa itong tapyasin ng Green Archers sa tatlo, matapos ang back-to-back triples ni Aljun Melecio,76-79, bags nakabalik ang Red Lions sa komportableng bentahe, 82-76, matapos ang ganting 3-point shot ni Javee Mocon.

Bagamat nanalo, hindi nasiyahan si Fernandez sa kanilang mga turnovers at sa ibinigay nilang fastbreak points sa Green Archers kung saan nakapagtala ang kanilang kalaban ng 18 puntos,.

“If we just limited their turnovers and turnover points allowed to La Salle, hindi ganito yung mangyayari,” aniya.

Nanguna para sa natalong Green Archers si Ben Mbala finished na may 20 puntos. (Marivic Awitan)