Jennylyn Mercado aT Gil Cuerva (1) copy copy

DUMATING na ang pinakahihintay ng fans nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva at fans ng My Love From The Star dahil ngayong gabi na ang premiere telecast ng Pinoy adaptation ng hit Korean series. Hindi na teaser at trailer lang ang mapapanood, buong episode na.

Sa teaser at trailer pa lang, panalo na ang acting ni Jennlyn at pinatunayan niya rito na siya nga ang Rom-Com Queen.

May tumawag nga sa kanyang Jennifer Aniston ng Pilipinas. Hindi pa namin siya natatanong tungkol dito, pero siguradong magugulat siya kung hindi pa ito nakakarating sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagulat nga rin si Jennylyn nang ipaalam namin na maraming KPop fans ang nagpahayag ng suporta sa My Love From The Star at sa kanila ni Gil. Korean stars lang ang kilala ng KPop fans, pero dahil napanood nila sa teaser na nagampanan ng mahusay ni Jennylyn ang karakter ni Steffi, susuportahan nila ang aktres at ang show.

Ang Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza na nagwakas last week ang papalitan ng My Love From The Star kaya pressured si Jennylyn.

“May pressure kasi Aldub ‘yun. Ang dami nilang fans at sa dami ng supporters nila, parang kailangan ma-pressure. Pero naniniwala ako sa ganda ng material ng My Love From The Star, sa husay ni Direk Joyce(Bernal) at sa galing ng mga kasama namin dito,” sabi ni Jennylyn.

Natigil ng ilang minuto ang pakikipag-usap namin kay Jennylyn dahil nagpahid siya ng luha nang mapaiyak nang may magtanong tungkol adoptive mother niyang si Mommy Lydia.

“Everyday nami-miss ko siya at iniiyakan ‘pag naaalala tulad ngayon. Naaalala ko bago siya nawala, tinanong ko siya kung kaya pa? Sabi ko, lalaban tayo at tumango siya. Iyon na ‘yung huli. Hanggang ngayon, kinakausap ko pa rin siya,” pagtatapos ni Jennylyn. (NITZ MIRALLES)