Direk  Ivan, Yassi at Sam
Direk Ivan, Yassi at Sam

Ni Nitz Miralles

PINAPAYAGAN na si Sam Milby ng Star Magic na gumawa ng pelikula sa labas ng Star Cinema. Pagkatapos ng movie sa Regal Entertainment, sa Viva Films naman siya gagawa ng pelikula.

Nakita namin ang picture ni Sam na kuha sa storycon ng movie niya sa Viva titled Ang Pambansang Third Wheel. Makakasama niya sina Yassi Pressman at Sam Pinto. Hindi pa malinaw kung sino sa dalawa ang kapareha niya at kung sino ang third wheel.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa directon ni Ivan Payawal, kasama rin sa cast sina Alonzo Muhlach, Kim Molina at marami pang iba. Shooting starts soon!

Maganda ang takbo ng career ni Sam at masaya rin ang love life. Ano pa nga ba ang hahanapin niya?