Nasa 30 bahay, na sinisilungan ng 70 pamilya, ang naabo sa pagsiklab ng apoy sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 1:30 ng madaling araw sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng bahay ni Pabling del Rosario, 60, sa 2241 Leyte Street, corner Laguna St., Tondo.

Hinihinalang faulty electrical wiring o short circuit ang sanhi ng sunog, dahil ayon kay Wilson Sapolmo, residente, nagkaroon ng electric failure sa kanilang lugar bago nangyari ang sunog.

Halos dalawang oras bago idineklarang under control ang apoy at tuluyang naapula bandang 3:30 ng madaling araw.

Atty. Claire Castro, wala sa hinagap maging PCO Undersecretary

Walang naiulat nasugatan o nasawi sa insidente habang aabot sa P150,000 halaga ang natupok na ari-arian.

(MARY ANN SANTIAGO)