Pinasok at pinatay sa bahay ang isang barangay chairman ng apat na hindi pa nakikilalang armado sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa ospital si Angelito Sarmiento, ng Barangay 751, Zone 81, sa Malate ngunit binawian din ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Arellano Police Community Precinct Commander, Police chief Inspector Paul Sabulao, dakong 9:50 ng gabi pinasok ng mga suspek ang bahay ni Sarmiento.

Sa salaysay sa pulisya ng misis ng biktima, si Joan Sarmiento, katatapos lamang maghapunan ng pamilya Sarmiento at nagpasyang manood ng telebisyon ang biktima.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Narinig na lang umano ni Joan, mula sa banyo, ang tila pagtatalo at isang lalaki ang nagsabi ng, “Asan ‘yung asawa?

Ayan si Chairman. Tara na!” hanggang sa nakarinig ng apat na putok ng baril.

Lumabas umano sa banyo ang ginang nang marinig ang kanyang mga kapitbahay na nagsisigawan at sinasabing binaril ang kanyang mister.

Inaalam na ang motibo sa pagpatay. (Mary Ann Santiago)