Patay ang isang rider nang rumampa sa sidewalk at bumangga sa puno ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Barangay Industrial Valley Complex, Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center si Ariel Ocampo, na nagtamo ng matinding sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Marikina City Police, dakong 7:43 ng gabi nangyari ang aksidente sa Major Dizon Street, Bgy. Industrial Valley Complex.

Binabaybay ng biktima, sakay sa Mio Sporty 125, ang lugar nang aksidenteng rumampa sa bangketa at tumama sa isang puno. (Mary Ann Santiago)

National

3 lugar sa PH, makararanas ng 'dangerous' heat index sa Miyerkules