Isang sundalo ang nasawi at 10 iba pa ang nasugatan matapos silang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu, kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Sulu Police Provincial Office (SPPO), nangyari ang pananambang bandang 5:00 ng umaga.

Ayon sa pulisya, kagagaling lang umano ng mga sundalo sa kanilang detachment sakay sa military truck patungo sa munisipyo ng Patikul nang tambangan sila ng armadong grupo na pinaniniwalaang Abu Sayyaf.

Kinilala ng pulisya ang mga nabiktimang sundalo sa mga pangalang Sgt. Lagutin, Cpl. Yahcob, Cpl. Berioso, Cpl. Dandoh, Cpl. Polotan, Cpl. Kasal, Cpl. Julhari, Cpl. Campion, Cpl. Antipolo, Pvt. Lacierda, at Pvt. Ando, pawang miyembro ng 10th Infantry Battalion, sa ilalim ng 1st Infantry (Tabak) Division na nakabase sa Barangay Buhanginan, Patikul.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Batay sa report, isang sundalo ang napatay at 10 ang nasugatan na ginagamot na isang ospital sa Jolo. (FER TABOY)