Sinabi ni Labor Undersecretary Joel Maglunsod na pag-aaralan pa nila ang hirit na P184 across-the-board daily wage hike para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ito’y matapos magpetisyon ang Associated Labor Unions (ALU-TUCP) sa Regional Wage and Productivity Board-National Capital Region upang itama ang pagkakaiba sa suweldo at humiling ng mga karagdagang benepisyo para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

“Suportado natin ito pero dapat pag-aralan din nang mabuti kasi may epekto ‘yan sa kabuuan,” paglilinaw ni Maglunsod. (Mina Navarro)

National

VP Sara, ibinahaging bibisita iba pa nilang pamilya sa Netherlands para sa kaarawan ni FPRRD