Ang kabataang may attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD) ay mas malaki ang posibilidad na maging teenaged parents kaysa mga kasabayan nila na hindi nagtataglay nito, ayon sa isang malaking Danish study.

Partikular na sa edad na 12 hanggang 15 anyos, ang mga batang babae na mayroong ADHD ay tatlo at kalahating beses na mas malaki ang posibilidad, at ang mga batang lalaki ay halos dalawa at kalahating beses na mas malaki ang posibilidad na maging batang magulang.

“We were expecting to find an increased risk, but not of this magnitude,” sabi ng lead study author na si Dr. Soren Dinesen Ostergaard, Aarhus University Hospital sa Denmark.

Iniugnay ng mga bagong pag-aaral ang inattentive at impulsive symptoms ng ADHD sa risky sexual behavior, ngunit hindi pa malinaw kung nauuwi rin ito sa mas mataas na antas ng teen pregnancy at pagiging batang ama at ina.

National

VP Sara, binalingan AFP sa pagkaaresto ni FPRRD: 'Bakit nila hinayaan?'

Sa mga dating pag-aaral ay iniugnay ang teenage parenthood sa kahirapan, kawalan ng trabaho, mataas na panganib sa kalusugan, at problema sa pag-uugali, ulat ng grupo ni Ostergaard sa Journal of the American Academy of Child and Adolescent Psychiatry noong Mayo 11.

“Our findings indicate that increasing the level of sexual education in children and adolescents with ADHD could be beneficial,” saad sa email ni Ostergaard sa Reuters Health. “That should be tested in future studies.”

Sinuri ng mga mananaliksik ang data ng 2,698,052 kataong isinilang simula 1960 hanggang 2001 sa Denmark, kabilang ang 27,479 na nasuring may ADHD. Pinag-aralan nila ang posibilidad na maging magulang ang isang indibiwal sa pagtuntong sa age intervals na 12-16, 17-19, 20-24, 25-29, 30-24, 35-39 at lampas 40.

Sa kabuuan, ang kabataang mayroong ADHD ay halos doble ang posibilidad kaysa kanilang mga kaedad na walang ADHD na maging magulang sa edad na 12-15 at 16-19, at malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng maraming anak sa edad na 25, natuklasan ng mga mananaliksik.

“It is well established that becoming a teenage parent, irrespective of your mental health status, is burdensome for both parents and children,” ani Ostergaard. “It is also well known that parenting is often difficult for individuals with ADHD.”

Isinuhestiyon ng grupo ni Ostergaard ang paglikha ng bagong sexual education at contraceptive counseling program na dinisenyo para sa kabataang mayroong ADHD. (Reuters)