Malalim na saksak sa dibdib ang natamo ng lalaki sa pakikipagtalo sa kanyang misis sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Jonathan Mapa, 41, construction worker, nang saksakin ni Normelita Mapa, 44, kapwa ng GK Compound, Vitas, sa Tondo.

Sa imbestigasyon ni PO2 Karl Hector Cruz, ng Manila Police District (MPD)-Station 1, bandang 1:00 ng hapon ay narinig na nagtalo sa pera ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.

Sa tindi ng galit ng suspek ay kumuha ito ng kutsilyo at sinaksak ang biktima sa kanang bahagi ng dibdib at mabilis na tumakas.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Isinugod sa nasabing ospital ang biktima at nasa maayos nang kondisyon.

Wala umanong planong magsampa ng kaso si Jonathan laban kay Normelita. (Mary Ann Santiago)