Heart Evangelista (1) copy

INABANGAN at tinutukan ang muling paglipad ng mga taong-ibon at katunayan nito ang pagti- trending worldwide ng pilot episode ng Mulawin vs Ravena.

Hanggang sumunod na araw ay hindi pa rin ito nawala sa trending topics dahil tuluy-tuloy pa ring pinag-uusapan ang malalaking eksenang napapanood sa bagong telefantasya ng GMA Network.

Marami ang nakadama ng nostalgia at nagbalik-tanaw sa mga nangyari noong unang ipinalabas ang Mulawin sa GMA-7.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Bukod sa exciting ang kuwento, marami ring iniwanang mga katanungan sa pilot episode kaya patuloy itong sinusubaybayan ng viewers.

Malakas ang chemistry nina Heart Evangelista at Dennis Trillo, at damang-dama ang damdamin ng dalawa sa mga eksena.

Nakakakilig ang mga sinasabi ni Gabriel (Dennis) kay Alwina (Heart) pero ramdam ang pinaghuhugutan nilang lungkot at sakit.

Hinangaan din ang napakagandang ng effects at cinematography ng Mulawin vs Ravena at hindi maikakailang ginalingan nina Direk Dominic Zapata at Direk Don Michael Perez ang pagkakagawa nito.