Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports

Arena, Pasig)

3 n.h. – Gamboa Coffee Mix vs Zark’s Burger

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

5 n.h. – Cignal vs Flying V

SISIMULAN ng Cignal HD ang kampanya para sa back-to-back championships kasabay ng pagsalang ng tatlong baguhang koponan sa pagsisimula ngayon ng 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagtataglay ng bagong roster, aminado si Hawkeyes coach Boyet Fernandez na magiging mahirap para sa kanyang koponan na masundan ang natamong kampeonato sa Aspirants Cup.

“This will be a completely different conference for us. It will be another tough conference for us, but we’re all excited,” ani Fernandez.

Sasandigan ng Cignal ang mga nalabing reliable sa nakalipas na conference na sina Jason Perkins, Pamboy Raymundo, at Davon Potts kasama ng mga bagong recruits na sina Raymar Jose at Dan Sara sa pagsabak nila sa baguhang Flying V ganap na 5:00 ng hapon.

“With Jeron Teng in their lineup and coach Eric (Altamirano) coaching the team, this is a very strong and tough matchup for us. But we will be ready,” pahayag ni Fernandez.

Maliban kay Teng, ang iba pang inaasahang mangunguna para sa Thunder ay sina Eric Salamat, Jerick Cañada, at Gab Banal.

Mauuna rito, magtutuos ang kapwa bagitong koponan na Gamboa Coffee Mix at Zack’s Burger ganap na 3:00 ng hapon.

Sa unang pagkakataon sa kanyang pagbabalik aksiyon, sasabak si Leo Avenido bilang playing coach kabalikat ang kanyang mga manlalaro sa pangunguna nina Val Acuña, Jens Knuttel, at Marcy Arellano para sa Coffee Lovers. (Marivic Awitan)