UMUSAD ang Team Santa Rosa at Balandra Squad sa National Finals ng Red Bull Reign matapos manguna sa ginanap na Qualifier nitong weekend.

Ang Red Bull Reign ay signature 3x3 basketball tournament kung saan naglalaban sa matikas na duwelo ang magkakaribal na koponan. Ginaganap ito sa 15 bansa kung saan ang mga kampeon ay magtutuos sa World Finals na gaganapin sa Washington D.C.

Nanguna ang Team Santa Rosa sa nakopong 40 puntos.

“Hard work and trust in God are our keys to success,” pahayag ni team captain Victor Renan Sayo.

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Sa kabila ng ilang kabiguan sa kaagahan ng elimination round, umangat ang Balandra Squad tungo sa pagkopo ng 31 puntos at makasama sa top two ng qualifier.

Bukas pa ang pagpapatala para sa Manila Qualifier B. Para sa mga nagnanais na lumahok, magpatala sa sports app ‘Laro’. Ang naturang app ay mado-download sa Google Play at iTunes.

Libreng mapapanood ang laro sa Manila Qualifier B sa Mayo 26 sa Buendia Food by the Court, Makati City at sa Mayo 27 sa Nagtahan Bridge Court, Pasig River, Manila