Binalewala ng Pinagkaisang Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang banta ni Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) Board Member Atty. Aileen Lizada na kakasuhan ang mga kasapi ng grupo na sumama sa transport caravan kamakalawa ng hapon.

Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON, pikon lang ang LTFRB at harassment ang alam gawin. Handa, aniya, ang kanilang grupo na harapin ang kaso at ipagtanggol ang kanilang karapatan.

Unang sinabi ni Lizada na tuloy na tuloy na phase out ng mga jeepney dahil seryoso ang pamahalaan sa transport program. (Jun Fabon)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist