Malayo-layo ang narating ng pitong buwang gulang na sanggol makaraang tangayin ng kanyang yaya mula sa Caloocan City patungong Gappal, Cauayan City, Isabela.

Inaresto kahapon si Josephine Asuncion, nasa hustong gulang, at yaya ng anak ng mag-asawang Rogenio at Girlie Mejia, ng Barangay 22, Caloocan City.

Sa report ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), nangyari ang pagdukot sa Barangay 122, Caloocan City nitong Biyernes.

Sa tulong ng Cauayan City Police Office (CCPO), matagumpay na naaresto ng PNP-AKG operatives si Asuncion at nabawi sa kanya ang anak ng mag-asawang Mejia.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napanood umano sa telebisyon ng isang concerned citizen ang tungkol sa pagdukot ni Asuncion at agad nitong ini-report sa PNP-AKG.

Kasalukuyang nakakulong si Asuncion sa Camp Crame at nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping.

(Fer Taboy at Orly L. Barcala)