052217_Marijuana_02_Pque_Jun Aran_as copy

Nasa 1.5 kilong marijuana, na nagkakahalaga ng P15,000, at mga drug paraphernalia ang nakumpiska ng awtoridad sa magbayaw sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Naghihimas ng rehas sa Parañaque City Police sina Jayvee Selina, 23, at Anne Margareth Espaldon, 29, nangungupahan sa Unidas Street, Airport Road, Baclaran ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO1 Alvin Miranda ng Police Community Precinct (PCP)-Station 1, dakong 1:00 ng madaling araw, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga kapitbahay nina Selina at Espaldon hinggil sa gabi-gabing ingay ng packaging tape at tila may ginigiling sa loob ng kuwarto ng mga ito.

Human-Interest

Para makakuha ng simpatya? Taxi driver na may Tourette Syndrome, pinagdudahan

Dahil dito, agad umaksiyon ang awtoridad at sinalakay ang silid ng mga suspek hanggang sa nadiskubre ang isang itim na bag, nakatago sa ilalim ng kama, na naglalaman ng marijuana at mga drug paraphernalia at tuluyang inaresto ang dalawa.

Kinasuhan sina Selina at Espaldon ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), sa Parañaque Prosecutor’s Office. (Bella Gamotea)