SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Kalaboso ang isang 50-anyos ng kawani ng pamahalaang lungsod ng Science City of Muñoz makaraang maaresto sa inilatag na buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Muñoz Police, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni SPO1 Johnson Orena, team leader ng buy-bust, ang naarestong si Emerson San Andres y De Dios, may asawa, empleyado ng munisipyo at residente ng Villa Isidra, Baranagy Bantug. Nasakote ang suspek matapos makipagtransaksiyon sa poseur buyer na si PO1 Mar Pascual para sa isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P300 marked money. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog