SAN DIEGO (AP) – Sinabi ng U.S. Homeland Security Department na halos 740,000 banyaga na dapat umalis na sa bansa sa nakalipas na 12 buwan ang nag-overstay sa kanilang visa.

Kasama sa bilang na inilabas nitong Lunes ang mga dumating sakay ng mga eroplano o barko ngunit hindi kabilang ang mga tumawid sa hangganan.

Ang mga bansang may pinakamaraming overstaying visa mula Oktubre 2015 hanggang Setyembre 2016 ay ang Canada, Mexico, Brazil, China at India.

Tinatayang 40 porsiyento ng halos 11 milyong katao sa United States ang illegal na nananatili sa US hawak ng overstaying visa.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline