Ayaw tantanan ng online bashers si Vice President Leni Robredo. Dalawang linggo pa lamang na nagsasahimpapawid ang programa niya sa radyo na “BISErbisyong Leni” ngunit pinuputakti na ito ng negatibong komento sa social media.

Gayunman, hindi na nagpapaapekto si Robredo at pinagtutuunan na lamang ang magagandang bagay. “Hindi natin sasabayan iyong tira, pero hahanap tayo ng mas positive na bagay,” aniya.

Mapapakinggan ang isang oras na radio program ng Vice President tuwing Linggo sa RMN-DZXL. Mapapanood din ito nang live sa Facebook page ng RMN. Tinatalakay dito ang mga isyu sa serbisyong publiko. Ngunit inaakusahan si Robredo na ginagamit ang programa para pabagsakin ang administrasyong Duterte.

“Hindi po kuwento ko kundi kuwento ng kababayan natin nagdaan sa hirap, pero iniahon ang sarili para maging matagumpay sa buhay,” paglilinaw niya.- Raymund F. Antonio

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel